
CHAPTER 55: Graduation of Feelings
LAST WEEK OF SCHOOL YEAR
Sa wakas, natapos na din namin yung mga exams. Sa awa din ng Diyos, lumabas sa exam namin kay Sir Sadista yung mga inaral ko and SURE ako sa mga sagot ko! At dahil online exam naman pala ang finals namin kay Sir, nalaman din namin agad yung result ng exam namin. Guess what: PASADO! Woo! Beach, here I comeeee!!!
G: guess what guys.
M: oh ano?
G: *thumbs up*
A: yeees. Pasado! Manlilibre ka?
G: baliw! Shet. Makakasama na ako sa outing natin! Sure na sure na sure na!!!
C: yehey! Kumpleto tayo sa outing natin. Ang saya naman!
Mayamaya eh biglang dumating sina Ken. Onga naman, last day na namin ngayon. So obviously, wala na din silang gagawin. Nakitambay sila kasama kami.
K: Hoy Amazona. Kung magsaya ka jan akala mo walang bukas ah.
G: bakit ba. Masama na bang magsaya?
K: ha. Pasalamat ka at binulong ko sayo yung sagot doon sa huling number. Kung hindi ko nasabi sayo yun sagot, sabit ka kay Sir Sadista.
G: oo na Boss. Salamat Boss. Ok na?
Actually guys, passing kasi sa exam ni sir eh 30 eh. Ang nakuha kong score ay 30. O diba, ang saya ko! Sumabit pa score ko! Pero buti na lang sinabi ni Ken yung sagot, kung hindi nakuuu. Goodbye beach ako!
K: nabalitaan mo na ba yung tungkol kay Paul?
G: ha? Ba—bakit? Anong nangyari?
Shet. Na-open up na naman yung tungkol kay Paul. Pinilit ko sarili ko na magpaka-busy last week para hindi ko maalala si Paul.. pero ito, pinaalala na naman sakin ng Pinyang to. Takte. Emo mode na naman ako.
CHAPTER 54: Goodbye… First Love?!
Natapos na ang February. Susunod naman ang March. Tapos bakasyon na ulit! Excited na ako! Madalas kasi pag summer, madami kaming mga plano sa buhay like mag-outing, swimming at magliwaliw! Kailangan na naming magplano ng mga kaibigan ko! Sheeet this is so exciting!
G: Ghaizzz. Malapit na yung summer! Anong balak niyo?
C: Outing! Outing! Swimming sa beach!
A: oo nga tama! Sakto, may family friend kami na super close ni Dad. Pwede natin pakiusapan yun for discounts XD
G: wow sakto! Hulog ka talaga ng langit Anna XD
M: out ako jan. ayokong mangitim.
G: grabe ka ang KJ mo naman!
Palibhasa sa aming apat, si Mae yung pinaka-maputi. Akala mo eh anak ng foreigner dahil sobrang puti niya.feeling ko nga may tinatago siyang freckles eh. Haha.
C: hui Mae, minsan lang naman to eh. Sumama ka na!
A: bawal KJ dito. Lahat sasama!
M: eeeargh. Sige. Pagiisipan ko.
G: ano ba naman yaaaan sumama ka na. Ok. Counted ka na.
M: teka, nag-hehead count na kayo? Hindi pa nga sure kung tuloy yang balak niyo!
C: akala mo lang yun!
A: … ok Dad. Thanks Dad! *drop phone* ok na daw sabi ni Dad. Mag-set na lang tayo ng date then super tuloy na tayo :D
G: oraaaaayt!
M: grabe. Ang bilis niyo -____-
G: bawal ng bumack-out Mae. Ok?
M: fine fine.
Astig talaga tong mga kaibigan ko eh no. Kung yung iba, matagal magplano bago matuloy ang lakad (tapos minsan pa nga sa sobrang tagal ng paghahanda eh hindi na natutuloy yung lakad). Kami eh instant plano, instant lakad! Imba diba? Haha!
C: ahm… gusto niyo bang magyaya pa ng iba? Alam niyo yun… the more the merrier.. ahihihi :>
M: at sino na naman ba naisip mong isama ha?
C: eeeh~ gusto ko kasi sana isama si Darling ko~
M: oooohkaaaaay. -____-
A: hmm.. may point ka Collin. Bakit nga ba hindi na lang natin isama yung barkada ng boypren mo?
C: tomooooo~
Barkada? Ni Crom? Teka, parang hindi ko yata gusto yung mga binabalak nila ah…
CHAPTER 53: Valentine Chocolate
(A/N nakalagay sa picture eh “cookie”. CHOCOLATE dapat yan eh. tinatamad na akong i-edit kaya di ko na pinalitan XD pero CHOCOLATE dapat talaga yan. sareeey :>)
VALENTINE’S DAY
Hindi ko pa din lubos maisip kung bakit ako pumayag sa mga kaibigan ko na bigyan ng chocolate si Ken. Alam ko naman na malaki ang possibility na irereject niya yung chocolate ko.. pero.. ewan. Ginawa ko pa din. Yun kasi sinabi ng isip ko eh.. at ng puso ko. Ata? Pinoproblema ko din kung paano ko ibibigay sa kaniya tong lintek na chocolate na to dahil mukhang badtrip siya sakin.
CR: Honey~ Happy Valentine’s Day!
C: Honey~ Happy Valentine’s Day din! Ito nga pala yung home made chocolates ko oh!
CR: wow Honey, ang cute naman nito. Ikaw talaga gumawa nito? *bites chocolate* ang sarap!
C: of course Honey~ para sayo talaga yan. Kasing tamis ng chocolate na yan ang pagmamahal ko sayo~ I love you~~~
CR: aww Honey~ *hugs Collin* I love you too~~! Ito nga pala yung gift ko sayo *naglabas ng bouquet*
C: aww Cromey Honey Bunchey ko~~ ang sweet mo naman! *hug hug hug hug CENSORED*
G: pwede ba. Wag nga kayong maglambingan sa harap ko. Na-aano ako sa inyo eh.
C: grabe ka naman Grace! Masama na bang magmahalan ngayon?
G: naku, hindi Collin. Hindi sa mata ng Diyos. Pero sa mata ng Eskwelahan na to, bawal magmahalan sa public! Umayos nga kayo! Asan ba kasi si Anna??
C: hindi daw siya papasok. May date sila ni Cedric!
G: oh. So. Ako lang pala lonely sa araw na to. Si Mae absent dahil mag-dedate ulit sila ng Ate niya.
CR: nanjan naman si Ken ah.
G: huh? Excuse me sayo no? Pero wala akong balak na makasama siya sa araw na to ok? And for sure, madami na naman siyang idedate ngayon.
CR: naku? Yun? May ide-date ngayon? Wala ata eh.
G: o? bakit naman?
CR: halos lahat ng babaeng nagyayaya sa kaniya makipag-date, nirereject niya eh.
Kung ganun din pala yung sitwasyon, malaki din ang posibilidad na ireject niya yung chocolates ko. Napapadalawang isip tuloy ako kung ibibigay ko pa to sa kaniya o hindi..